GMANetwork.com - Foundation - Videos

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


2 pamilyang nag-uulam ng toyo at mantika, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 6, 2024
OTPOAFX8z78

Sa tahanan nagsisimula ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ng isang bata. Pero para sa dalawang pamilyang nakilala namin sa Gainza, Camarines Sur, sapat na ang toyo at mantika sa hapag para maibsan ang kumakalam na tiyan. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng baha sa Nabunturan, Monkayo, at Pantukan, Davao de Oro | 24 Oras

Jan 27, 2024
GMA Kapuso Foundation

Tuloy tuloy ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao de Oro. Sa ngayon, umabot na sa 6,000 indibidwal ang ating natulungan sa tatlong bayan sa probinsya. Read more


60,000 bata, niregaluhan sa Christmas "Give-A-Gift" Project ng GMA Kapuso Foundation noong 2023 | 24 Oras

Jan 15, 2024
GMA Kapuso Foundation

Iba't ibang kwento ng inspirasyon at dedikasyon ang nasaksihan natin sa "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy" Christmas Project ng GMA Kapuso Foundation. At dahil sa ating pagtutulungan, 60,000 mag-aaral sa 15 probinsya ang ating naregaluhan. Read more


20,450 na mag-aaral sa Mindanao, niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 5, 2024
GMA Kapuso Foundation

Nasubok ang katatagan ng ating mga kababayan sa Mindanao matapos ang malawakang lindol nito lang 2023. Para maibsan ang kanilang kalbaryo, bukod sa mga food packs, handog din ng GMA Kapuso Foundation ang mga regalo. Read more


Mahigit 1,000 blood bags, nalikom ng GMA Kapuso Foundation sa blood-letting sa PMA Baguio City at TRADOC sa Capas, Tarlac | 24 Oras

Nov 20, 2023
GMA Kapuso Foundation

Literal na nag-alay ng sariling dugo ang mga sundalong nakiisa sa "Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project" ng GMA Kapuso Foundation sa Baguio City at Capas, Tarlac. Mahigit 1,000 blood bags ang nalikom natin kaya lubos ang aming pasasalamat pati na rin sa aming partners at sponsors. Kayo po ay tunay na mga Bayaning Kapuso!   Read more


2 silid-aralan, ipinatayo sa Burdeos, Quezon ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Nov 15, 2023
GMA Kapuso Foundation

 Mahigit isang taon na mula nang humagupit ang Super Typhoon Karding pero ang iniwan nitong pinsala, bakas pa rin sa mga eskwelahan sa Burdeos, Quezon. Sa tulong ng ating mga donor at sponsor, magpapatayo tayo ng matitibay na silid para hindi na pagtiyagaan doon ang mga sira-sirang makeshift classroom. Read more


Preloved clothes ng 24 Oras anchors, mabibili sa Celebrity Ukay-Ukay ng GMA Kapuso Foundation simula Nov.10 | 24 Oras

Nov 8, 2023
GMA Kapuso Foundation

 Mga Kapuso, naghahanap na ba kayo ng pangregalo sa pasko? Sugod na sa Noel Bazaar ngayong Biyernes kung saan tampok ang mga unique gift items at Celebrity Ukay-Ukay ng GMA Kapuso Foundation. Kahit mga outfit ng 24 Oras anchors -- puwede na ring i-mine! Read more


19-Anyos na dalagang iniinda ang lumalaking bukol sa anit, nangangailangan ng tulong | 24 Oras

Sep 5, 2022
Kapuso Foundation

Dahil sa hirap ng buhay, hindi na nagawang maipagamot ng isang dalagang aming nakilala ang iniinda niyang problema sa anit. Nagsimula lang daw lahat sa simpleng butlig hanggang sa lumala at naging lumalaking bukol. Dumulog sa GMA Kapuso Foundation ang kanyang kapatid, kaya't agad natin siyang dinala at ipinatingin sa doktor. Read more


GMA Kapuso foundation at mga katuwang na grupo, namahagi ng libreng prosthetic hand sa mga sundalo at sibilyan

Aug 5, 2022
GMA Kapuso Foundation

Naputulan man ng isang kamay, at nawalan ng trabaho dahil sa sakit na diabetes, hindi nagpadaig sa hamon ng buhay ang kusinerong aming nakilala. Kabilang siya sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng 'Kapuso, Kalusugan, Konsulta Project. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng ikalawang bugso ng relief operation sa Dinagat Islands

Jan 13, 2022

Abutan man ng dilim o 'di kaya mabasa pa sa ulan, walang patid po ang pag-agapay ng GMA Kapuso Foundation sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Odette sa Dinagat Islands. Ilan sa ating mga nahandugan ng tulong ay mga residenteng pansamantalang sumisilong sa bodega matapos mawalan ng tirahan.   Read more


Mahigit 6,400 taga-Sipalay, Negros Occidental, nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 10, 2022

Higit 6,000 indibidwal ang nahatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Sipalay, Negros Occidental. Isa sa kanila, si tatay Narciso na hinarap ang halos 7-oras na pananalasa ng Bagyong Odette. Read more


Nasa 20,000 indibidwal sa 8 munisipalidad sa Bohol, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 6, 2022

Nagkubli sa ilalim ng mesa nang manalasa ang Bagyong Odette at ngayon naman, sumisilong sa sawali. Isa lang ang pamilyang 'yan sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation na tuloy-tuloy po ang pag-agapay sa mga binagyo tulad sa Bohol.   Read more


Mga sinalanta ng Bagyong Odette sa General Luna at Burgos sa Siargao, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 5, 2022

Nagpapatuloy ang paghahatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Siargao Island. Marami sa kanila, sinisikap pang bumangon ngayong winasak ng bagyo ang mga ari-ariang pinaghirapan nilang ipundar. Read more


4,000 indibidwal na sinalanta ng bagyo sa Pintuyan at San Francisco, Southern Leyte, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Jan 4, 2022

Hindi pa rin nabubura ang bangungot ng Bagyong Odette para sa mga Kapuso natin sa Southern Leyte. Lalo na sa mga nakatira sa coastal municipalities na napuruhan ng bagyo. Kaya para tulungan silang makabangon, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation. Read more

advertisement


GMA Kapuso Foundation, patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Dec 31, 2021

Ilang linggo na ang nakakaraan matapos manalasa ng Bagyong Odette sa bansa. Pero bakas pa rin sa Argao sa Cebu at Palawan ang iniwan nitong pinsala. Marami pa rin tayong mga kababayan na nanga-ngailangan ng tulong kahit ngayong magbabagong taon. Sila ang pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation para maghatid ng pag-asa sa pagsalubong sa 2022.   Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng feeding program para sa mga sinalanta ng bagyo sa Brgy. Bagumbayan, Dinagat Islands

Dec 30, 2021

Para-paraan na ang ilan nating kababayan sa Dinagat Islands para kahit paano'y may masilungan pa rin matapos wasakin ng bagyo ang kanilang bahay. Nandoon pa rin ang team ng GMA Kapuso Foundation para maghatid ng pag-asa lalo ngayong nalalapit pa naman ang bagong taon. Tuluy-tuloy rin ang paggulong ng ating feeding program sa iba pang barangay. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng feeding program para sa mga nasalanta ng bagyo sa Dinagat Islands

Dec 29, 2021

Magba-bagong taon na pero ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyo sa Dinagat Islands, tila hindi pa alam kung paano ulit magsisimula. Nasira na nga ang mga bahay at kabuhayan, pahirapan pa ang mapagkukunan ng makakain. 'Yan ang agarang inaksyunan ng inyong GMA Kapuso Foundation.   Read more


Mga sinalanta ng bagyo sa Burgos City, Siargao Island, binigyan ng relief goods ng GMA Kapuso Foundation sa mismong araw ng pasko

Dec 28, 2021

Kahit walang magarbong salu-salo o mga regalo, basta't ligtas at magkakasama ang pamilya. 'Yan ang labis na ipinagpapasalamat ng isang ina sa Siargao Island na isa sa mga napuruhan ng Bagyong Odette. Para gawing merry ang kanilang pasko, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng relief goods na kanilang inihanda at pinagsaluhan. Read more


GMA Kapuso Foundation nakapaghatid ng relief goods para sa 4,000 na indibidwal sa General Luna City, Siargao Island

Dec 23, 2021

Mga naglalakihang alon. 'Yan ang madalas dayuhin ng mga surfer sa isla ng Siargao. Pero sa pag hagupit ng Bagyong Odette, tila inanod ng unos ang mga bahay sa kabuhayan ng mga residente sa isla. Kaya ang GMA Kapuso Foundation agad na tinugunan ang panawagan ng mga nasalanata roon, gaya ng mga pagkain.   Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng feeding program sa Clarin, Bohol

Dec 22, 2021

Bukod sa masisilungan, pangunahing problema rin ng mga nasalanta ng Bagyong Odette ang makakain, lalo na para sa mga bata. Kaya naman ang GMA Kapuso Foundation,nagsagawa na rin ng feeding program para sa mga residente ng Clarin, Bohol. Read more


618 na pamilya sa Bontoc, Southern Leyte, nakatanggap ng noche buena package mula sa GMA Kapuso Foundation

Dec 21, 2021

Kung kailan pa naman magpapasko, doon pa nawalan ng bahay at hanapbuhay. 'Yan ang mabigat na iniinda ng libu-libo nating kababayan na naapektuhan ng Bagyong Odette, gaya sa Southern Leyte. Sa ating simpleng paraan, ipinadama natin ang diwa ng pasko sa ipinamahagi nating mga pang-noche buena. Read more


GMA Kapuso Foundation, nakatakdang maghatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Odette

Dec 17, 2021

Sa bagsik ng Typhoon Odette, marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan. Pati ang ilang kabuhayan, pinadapa at hindi pinalagpas ng bagyo. Kaya ang aming team sa GMA Kapuso Foundation naghahanda at papunta na sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyo.   Read more


Mga mag-aaral sa Atok, Benguet maagang nakatangap ng pamasko mula sa GMA Kapuso Foundation

Dec 9, 2021
Kapusong Totoo

Ika nga sa isang kanta, magtanim ay 'di biro. Bukod sa maghapon kang nakayuko, oras at pera ang nasasayang tuwing masisira ang mga pananim. Sa kabila nito, hindi tumitigil ang ating mga magsasaka sa pagtatanim. Para masuklian ang kanilang pagod, ang mga magsasaka at ilang mag-aaral sa Atok sa Benguet ang ating napangiti sa dala nating regalo.   Read more