EXCLUSIVES

Rita Daniela on intimate scenes with Jak Roberto: 'Tapos na tayo sa pa-tweetums'

Published On: September 3, 2015, 8:38 PM
Rita and Jak just shot a steamy music video for 'Hahanap-hanapin Ka' and the singer reveals the hot details.  
By CHERRY SUN
 
Isang mas daring na Rita Daniela ang matutunghayan sa kanyang upcoming music video for 'Hahahanap-hanapin Ka.' Ang ilang eksena kasi nila ng kanyang leading man na si Jak Roberto ay maituturing mature at talagang intimate.
 
 

A photo posted by Rita Daniela (@missritadaniela) on

 
 
“It’s mature, tapos na tayo doon sa mga pa-tweetums stuff,” pagdeklara ng GMA Records artist. 
 
Pati si Rita ay inaabangan ang magiging end product ng kanyang proyekto with Direk Louie Ignacio.
 
Sambit niya, “Naku-curious din ako [kung] ano din kayang dating noon, kasi photos palang sexy-sexy na. Well, sexy siya, yes, but very classy and very wholesome siya na sexy. I mean hindi siya ‘yung malaswa, hindi siya ganun
na video.”
 
Dagdag pa ni Rita, si Jak daw ang nailang habang ginagawa ang kanilang
mga eksena.
 
“Tinanong ni Direk [si Jak], ‘Uy, kinakabahan ka ba? Ano, okay ka lang ba?’ Sabi ni Jak, ‘Direk, kinakabahan po ako kay Rita eh,” kuwento niya.
 
“Nakakaloka ka, sa akin ka pa talaga kinabahan ah,” biro pa niya.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->