Rita Daniela, hindi inaasahan ang tagumpay ng kanyang unang album
Published On: November 9, 2015, 2:53 PM
Hindi makapaniwala ang singer-actress na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang proyekto with GMA Records.
By CHERRY SUN, Interview by FELIX ILAYA
READ: Why ‘Rita Daniela’ is worth the wait
Sa dami raw ng ibang album at kanta ay hindi niya inakalang tatatak ang Rita Daniela. Maliban sa kanyang hit carrier single na I’m Flying High ay naging matunog rin ang kanyang awit na Hahanap-hanapin Ka na theme song ng My Faithful Husband.
WATCH: Rita Daniela’s ‘Hahanap-hanapin Ka’ on The Playlist
“Maraming maraming naglalabas ng albums ngayon, hindi lang ngayong taon. Hindi ko inexpect na ganun karami ‘yung makaka-remember, makaka-appreciate nung mga kantang inilabas namin,” pag-amin niya.
“Sobrang thank you kasi actually hanggang ngayon maraming nagkakagusto [sa album ko],” patuloy niya.
Masaya man si Rita sa tinatamasang tagumpany ng kanyang unang album, mayroon siyang isang pakiusap sa kanyang mga tagasuporta.
READ: Rita Daniela defines success
“Sana suportahan din nila ‘yung musikang Pilipino kasi kung kaya lang natin buhayin ‘yung OPM, sobrang ganda talaga ng mga songs natin. Sana mas tangkilikin natin ‘yun kaysa dun sa mga international. Alam natin kung gaano din tayo kagaling,” sambit niya.
Abril nang i-release ni Rita Daniela ang kanyang una at self-titled album, at hindi makapaniwala ang singer-actress na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang proyekto with GMA Records.