Bagong single ni Alden Richards na "I Will Be Here," maaari nang i-pre-order
Published On: June 25, 2018, 2:12 PM
Isang bagong kanta ang handog ng Pambansang Bae na si Alden Richards para sa kanyang mga tagahanga mula sa GMA Records.
Isang bagong kanta ang handog ng Pambansang Bae na si Alden Richards para sa kanyang mga tagahanga mula sa GMA Records.
Gumawa kasi siya ng cover ng awit na "I Will Be Here" na maaaring pakinggan worldwide simula July 1. Maaari rin itong i-pre-order sa iTunes.
Bukod dito, maari ring gamitin bilang ringback tone ang bagong awit ni Alden.
Ang awit na "I Will Be Here" ay original ni Steven Curtis Chapman. May version din nito si Gary Valenciano.