EXCLUSIVES

Anton Paras and Julie Anne San Jose
GMA Music

Anton Paras, gustong maka-collaborate si Julie Anne San Jose sa isang kanta

By Aimee Anoc
Published On: October 12, 2023, 11:47 AM

"Gusto ko po talaga siyang (Julie Anne San Jose) maka-collab. And siguro po makagawa po ako ng song with her na duet po." - Anton Paras

Isa si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa hinahangaang Kapuso singer ng singer-songwriter at multi-instrumentalist na si Anton Paras

Sa interview ng GMANetwork.com para sa bago niyang single na "Can't Wait," ibinahagi ni Anton na gusto niyang maka-collaborate sa isang kanta si Julie Anne. 

"Super nagagandahan po ako sa voice n'ya. May pagka-R&B din po kasi 'yung pagkanta ni Ms. Julie Anne San Jose," sabi ni Anton.

Dagdag niya, "Gusto ko po talaga siyang maka-collab. And siguro po makagawa po ako ng song with her na duet po."

Ngayong Biyernes, October 13, mapapakinggan na ang pangatlong kantang isinulat ni Anton under AltG Records, ang "Can't Wait."

 

 

 

 

 

Masaya si Anton na muling makapag-release ng kanta at makapagbigay ng "comfort at inspiration" sa maraming tao. 

"Kada-release ko po kasi ng song nakakabigay po sa akin siya ng saya. And parang satisfaction po kasi 'yun po talaga 'yung hilig ko na to create ng song and to sing po," pagbabahagi nya. 

Naging inspirasyon niya sa "Can't Wait" ang mga OFW (Overseas Filipino Worker) at nasa mga long-distance relationships. 

"Naisipan ko po kasing gumawa ng song na [long-distance relationship] kasi marami po tayong mga kababayan na nasa abroad to work. Gusto ko pong gumawa ng song na makaka-relate po sila, na pwede po nilang pakinggan to serve as their inspiration po sa mga ginagawa nila. To help them cope with homesickness. 

"And even po 'yung relationship na LDR, na sa tamang panahon magsasama pa rin po sila in the end." 

Mapapakinggang ang "Can't Wait" sa lahat ng digital music platforms worldwide simula October 13. Abangan din ang performance video ng kantang ito sa October 20. 

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->