EXCLUSIVES

love die repeat soundtrack
GMA Playlist

'Love. Die. Repeat.' official theme song 'Lisan' now available for streaming

By Jansen Ramos
Published On: January 15, 2024, 3:59 PM

Orihinal na kanta at komposisyon ng 'The Clash' season four finalist na si Vilmark Viray ang "Lisan," na official theme song ng bagong GMA Prime series na 'Love. Die. Repeat.'

Maaari nang mapakinggan ang official theme song ng bagong GMA Prime series na Love. Die. Repeat. na "Lisan" sa lahat ng digital platforms.

Ang bida ng serye na si Jennylyn Mercado ang nag-record ng kanta, sa ilalim ng GMA Music Publishing, na orihinal na single at komposisyon ng The Clash season four finalist na si Vilmark Viray. 

Noong January 7, inawit ni Jen ang "Lisan" sa All-Out Sundays bilang parte na rin ng kanyang pagbabalik sa primetime. Mapapanood ang Love. Die. Repeat. simula ngayong Lunes, January 15, sa GMA Prime.

Samantala, kinilig naman si Vilmark nang marinig ang bersyon ng Ultimate Star ng kanyang sariling komposisyon.

Ika niya, "MY HEART IS CRYING! I hope you’re proud, Papa ???????????? Ms. @mercadojenny performing my song LISAN on @alloutsundays7 . It will be the official theme song of their new teleserye Love. Die. Repeat. Ibang kilabot at kilig pala yung feels kapag may kumakanta na ng song mo. Sobrang nakakaproud bilang isang singer-songwriter ???????? Thanks again to my @gmamusic fam , Kuya @pauaguds and Kuys @_lechonkawaii."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vilmark (@vilmarkviray)

 

Samantala, tampok din ang "Lisan" ni Jennylyn sa UAE-based music streaming platform na Anghami at naging playlist cover pa ng 'New Pinoy' playlist nito.

 

 

Anghami features lisan by jennylyn mercado

 

 

 

Pakinggan ang buong rendition ni Jennylyn ng "Lisan."

 

Sa Love. Die. Repeat., makakatambal ni Jennylyn si Xian Lim sa unang pagkakataon.

Ipapalabas ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->