EXCLUSIVES

Sparkle U
GMA Playlist

'Sparkle U: #SoundTrip' OST album, available na online!

By Aaron Eusebio
Published On: March 4, 2024, 5:37 PM

Available na ang mga kantang inawit ni Zephanie at iba pang cast ng 'Sparkle U: #SoundTrip' online!

Mapapakinggan na ang anim na kanta na ginamit bilang official soundtrack ng #SoundTrip, ang huling istorya sa youth-anthology series ng GMA na 'Sparkle U.'

Inawit ng mga bida ng #SoundTrip na sina Zephanie, Michael Sager, Vanessa Peña, Lauren King, at Matthew Uy ang kantang "Let It Spark." Mayroon ding a capella version nito na solong inawit ni Zephanie.

Isang nakakakilig na kanta naman ang "Want You" na inawit nina Zephanie at Michael Sager, at ang nakaka-inspire na kantang "Tagumpay" nina Zephanie at Gaea Mischa.

Bukod rito, available rin sa 'Sparkle U: #SoundTrip' OST album ang mga kantang "Everything's Alright" at "Together."

 

Pakinggan ang "Sparkle U: #SoundTrip OST" album sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital music streaming services.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->