Liana Castillo, ipinakita ang behind-the-scenes ng 'Umaambisyon' performance video
Panoorin ang behind-the-scenes ng performance video ni Liana Castillo para sa bago niyang single na "Umaambisyon" dito.
Nag-enjoy ang Sparkle at GMA Music artist na si Liana Castillo sa shoot ng performance video para sa latest single niyang "Umaambisyon."
Noong December 28, inilabas ng GMA Music ang behind-the-scenes ng performance video ni Liana kung saan makikita ang excitement ng singer.
"I'm feeling excited and nervous at the same time," sabi ni Liana. "And, ang expectations ko po, siyempre, something new but still may pagka-bebegurl po 'yung shoot. May pagkakaunting retro po."
Sa performance video, hindi lang husay sa pag-awit ang ipinakita ni Liana, pinatunayan din nito ang pagiging all-out performer.
Ani Liana, naging "smooth" ang lahat at "satisfied" siya sa shoot. "I'm so happy na dire-diretso po 'yung shoot. Wala naman pong complications na nangyari. It was such a smooth sailing po."
Ang "Umaambisyon" ay revival ng hit love song ni Yasmien Kurdi. Ito ang ikalawang single ni Liana under GMA Music, kasunod ng debut single niyang "Bebegurl."
Samantala, panoorin ang performance video ng "Umaambisyon" dito:
MAS KILALANIN SI LIANA CASTILLO SA GALLERY NA ITO: