Akira Kurata, tampok sa 'Dahil Sayo' performance video sa GMA Playlist sa August 23
Abangan ang performance video ni Akira Kurata para sa kaniyang debut single na “Dahil Sayo” ngayong Sabado, August 23.
Handa na ba kayong kiligin?
Magpapakilig muli ang Sparkle artist na si Akira Kurata dahil mapapanood na ang performance video ng kaniyang debut single na "Dahil Sayo" ngayong Sabado, August 23.
Mapapanood ang kaniyang kilig performance video sa YouTube channel ng GMA Playlist.
Mula sa pagiging isa sa mga Campus Cuties, pinasok na rin ni Akira ang mundo ng musika. Matapos na tanghaling GMA Playlist Choice Awardee sa Sparkle Campus Cutie, narito na siya ngayon dala ang kaniyang first-ever single.
Very grateful daw si Akira sa kaniyang kanta at sabi niyang “refreshing” at "match" daw ito sa kaniyang personality.
Simulang napakinggan ang debut single ni Akira na "Dahil Sayo" noong August 15.
Kilalanin si Akira Kurata sa Playlist Extra video na ito: