'Ganito Tayo, Kapuso' short films original soundtrack, now available for streaming!
Available na for streaming ang heartwarming original soundtrack ng short films ng ‘Ganito Tayo, Kapuso.’
Inilabas na ng GMA Playlist ang original soundtrack ng Ganito Tayo, Kapuso short films.
Mapakikinggan na sa iba’t ibang digital music platforms ang heartwarming soundtracks ng seven Kapuso short films, na itinatampok ang seven Filipino core values.
Kabilang sa original soundtrack ay ang “Ngayon” na inawit ng Sparkle actress na si Mikee Quintos. Isinulat ito ni Ann Margaret R. Figueroa, re-arranged by Josel Andrew P. Baraquel, mixed ni Harry A. Bernardino, at produced ni Rocky S. Gacho.
Isa na rin dito ay ang “Sa Tabi Ko” na kinanta ni Maricris Garcia-Cruz, isinulat ni Simon L. Tan, at mixed and produced ni Rocky S. Gacho. Ang “Ngayon” at “Sa Tabi Ko” ay tampok sa “Tres Marias” short film (Makadiyos).
Sa Kapuso short film na “G.G.” (Masayahin), tampok ang tatlong awitin at isa na rito ay ang “Atin Ang Mundo,” na kinanta nina Sparkle artists Kim De Leon at Seb Pajarillo, isinulat nina Ann Margaret R. Figueroa at Kenneth Job R. Reodica, mixed ni Andrea Rae N. Culla, at produced ni Rocky S. Gacho.
Kabilang din dito ang “Ikaw Na Lang Ang Kulang,” na inawit ni Kapuso singer Mitzi Josh, isinulat ni Ann Margaret R. Figueroa, at produced ni Rocky S. Gacho, at “Basta’t Magkasama Tayo,” na kinanta nina Kim De Leon, Seb Pajarillo, at Mitzi Josh, composed nina Ann Margaret R. Figueroa at Joshua B. Gapasin, at produced ni Rocky S. Gacho.
Tampok naman sa “Raketera” short film (Maabilidad) ang kantang “Kayang-Kaya” na isinulat, produced, at mixed ni Kenneth Job L. Reodica.
Samantala, tampok sa “Opo” short film (Makabayan) ang mga awiting “Reunited Suite,” na isinulat ni Ann Margaret R. Figueroa, at “Hahanapin Suite,” na composed at produced ni Joe-Edrei L. Cruz. Ang dalawang tracks ay parehong mixed ni Bryan P. Fajardo.
Inawit nina Sparkle stars Allen Ansay at Sofia Pablo ang “Akin Ka Na” na tampok sa short film na “The Job Interbrew” (Mapagmalasakit sa Kapwa). Ang naturang kanta ay isinulat ni Rina May L. Mercado, re-arranged ni Josel Andrew P. Baraquel, at produced ni Rocky S. Gacho.
Bukod dito, kinanta ni Malena Leonard ang “Masterpiece” habang inawit naman ni Anthony Rosaldo ang “Dahilan” para sa Kapuso short film na “Para! Sa Pamilya” (Mapagmahal sa Pamilya). Parehong produced ni Rocky S. Gacho ang mga nasabing tracks.
Kabilang din sa original soundtrack ang “Kain Ka Na Boi,” na pinerform at isinulat ni Archie Gaba, music ni Joshua B. Gapsin, mixed ni Andrea Rae N. Culla, at produced ni Rocky S. Gacho, para sa Kapuso short film na “The Mami Returns” (Malikhain).
Samantala, mapapanood ang full versions ng Ganito Tayo, Kapuso short films sa official Facebook, TikTok, Instagram, at YouTube accounts ng GMA Network.