EXCLUSIVES

Cruz vs Cruz
GMA Playlist

'Cruz vs. Cruz' OST 'Kahit Wala Nang Tayo,' available na for streaming

By Dianne Mariano
Published On: September 5, 2025, 2:20 PM

Mapapakinggan na sa digital music platforms ang ‘Cruz vs. Cruz’ original soundtrack na ‘Kahit Wala Nang Tayo.’ 

Inilabas na ang kantang "Kahit Wala Nang Tayo" na kabilang sa original soundtrack ng GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.

Ang "Kahit Wala Nang Tayo" ay inawit ng Kapuso singer na si John Rex, isinulat ni Roxanne E. Fabian, mixed ni Harry A. Bernardino, at produced ni Rocky S. Gacho.


Bukod dito, available na rin for streaming ang theme song ng Cruz vs. Cruz na pinamagatang "Kung Mababalik," na inawit ng lead star ng serye na si Vina Morales.

Ang nasabing kanta ay isinulat ni Rina May L. Mercado, mixed ni Harry A. Bernardino, at produced ni Rocky S. Gacho.

Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime. 

RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA drama series na ‘Cruz vs. Cruz,’ kilalanin!

CONTENT YOU MIGHT LIKE