EXCLUSIVES

OPM band Tuwina on GMA Playlist Live
GMA Playlist

OPM band Tuwina, paano nga ba nabuo?

By Aimee Anoc
Published On: July 28, 2026, 7:11 PM

Ikinuwento ng guitarist at vocalist na si Lui Gonzales ang inspirasyon sa likod ng pangalan ng kanilang banda na Tuwina. Basahin dito.  

Photo by: Screenshot from GMA Playlist Live

 

Excited na nag-perform ang OPM band na Tuwina ng kanilang mga awitin na "Hantungan," "Kamay," at "Regalo Ka Ng Kalawakan" sa GMA Playlist Live noong Biyernes, July 24.

Sa kanilang pagbisita, ikinuwento ng indie alternative band kung paano nga ba sila nabuo. 

Binubuo ng apat na miyembro ang Tuwina na sina Lui Gonzales (guitars/vocals), Janine Samaniego (violin), Mico Marasigan (drums), at Raymond Carlos (bass). 

Ayon kay Lui, noon ay mayroon pang ibang miyembro ang Tuwina bukod sa kanilang apat. Hanggang sa magdesisyon, apat na taon na ang nakalilipas, na sila nang apat ang final lineup ng banda. 

"Janine and I played in a band before together," sabi ni Raymond. "Lui started this whole thing as a solo act. Actually, ayokong mag-bass para sa kanya. Kasi sabi ko, 'Para magbanda ka na.' Kasi gusto kong mag-banda lang siya talaga, pero dahil wala siyang members, sabi ko, 'Okay, I'm going to play bass temporarily habang wala ka pang bassist.' 

"Tapos niyaya na niya si Janine. Mico is my batchmate nu'ng high school, pero ngayon lang kami naging magkabanda. Tapos heto na siya. We decided na, we stick to four."

Ibinahagi rin ni Lui ang inspirasyon sa likod ng pangalan ng kanilang banda na Tuwina.

"Before, may previous band members ako, and I thought of the name of the band with them. And I wanted to think of the name na sweet siya and something easy to remember. And then I thought, 'Okay nga 'yun, 'yung every now and then.' Tapos naisip ko, 'Oo nga, Tuwina.'”

Paglalarawan naman ni Lui sa kanilang musika, "Malaro. We wanted to have each of us think of the songs na amin."

Samantala, mas kilalanin ang OPM band na Tuwina sa exclusive video na ito: 

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE