ADVERTISEMENT

Public Affairs

#AkoRin: 11th Anniversary Special of Brigada

 

 

  BRIGADA

11th Anniversary Special

Airing Date: October 22, 2022

 

Ayon sa CAMELEON Association Philippines, tinatayang nasa 7 milyong kabataan ang nagiging biktima ng sexual abuse sa ating bansa kada taon.

Ganito ang naging karanasan ng 12 taong gulang na si "Lara" sa kamay ng itinuturong salarin na si "Bernard." Kaibigan ng kaniyang ama at itinuring na parang pamilya si “Bernard” kaya matinding trauma ang naidulot nito sa biktima na tiniis niya ng anim na taon sa loob pa man din mismo ng kanilang tahanan.

ADVERTISEMENT

Samantala, may mga kaso rin ng mga dayuhang pumapasok sa bansa na ang pakay diumano ay mambiktima at mangmolestiya ng mga menor de edad. Sa katunayan, isang British national ang pinosasan kamakailan ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa diumano’y paggawa nito ng child pornography. Isang foreign national din ang inaresto sa Catanduanes dahil sa diumano’y pangmomolestiya sa ilang bata.

Para sa ika-11 anibersaryo ng Brigada, isang komprehensibong ulat ang tututukan ni Kara David at ng kaniyang ka-Brigadang si John Consulta tungkol sa kaso ng pang-aabusong sekswal sa mga menor de edad. Sisiyasatin din nila kung bakit patuloy itong nangyayari sa kabila ng pagkakaroon ng batas ukol dito, at kung paano nga ba makababangon ang mga biktima mula sa bangungot na dinanas.

Panoorin ang espesyal na ulat ng Brigada ngayong Sabado, October 22, 2022, 9:45pm sa GTV.

 

***

According to CAMELEON Association Philippines, it is estimated that 7 million young people are victims of sexual abuse in our country yearly.  This was the experience of 12-year-old "Lara" who endured six years of sexual assault from his father’s friend whom they considered as family.

There are also cases of foreigners entering our country with the alleged intention of victimizing and molesting minors. In fact, a British national was arrested at the Ninoy Aquino International Airport this past month for allegedly making child pornography. In Catanduanes, a Dutch national went into hiding and was later arrested due to complaints of molesting young men.

For Brigada's 11th anniversary, Kara David with John Consulta will air a comprehensive report on the case of sexual abuse among minors. They will also investigate why sexual abuse happens despite our existing laws, and how the victims can recover and find justice.

Do not miss this special report on Brigada this Saturday, October 22, 2022, 9:45pm on GTV