ADVERTISEMENT

Public Affairs

SenMig, lumalalim ang feelings?

 

 

Week 6: SenMigs, nagkakamabutihan na nga ba?
March 22-25, 2021
*pre-empted on March 26

 

 

Palpak ang plano ni Divina  (Jackie Lou Blanco) na gamitin si Sensen (Lovi Poe) para mapapirma si Lolo Badong (Leo Martinez) ng dokumentong maglilipat sa kanya ng kamayanan ng mga Alcancia. Ang galit ni Divina, kay Mema Eps naman niya ibabaling?

 

 

Pero di pansin ni Mema Eps ang bad vibes ni Divina at sa halip, lalo pa siyang gaganahang ipakita ang pagmamahal kay Lolo Badong kahit na halos sumuko na ang kanyang katawan.

 

ADVERTISEMENT

 

Unti-unti namang magkaka-palagayang loob sina Sensen (Lovi Poe) at Doc Migs (Benjamin Alves) pero dahil napapansin na ito ni Trixie (Winwyn Marquez), agad itong gagawa ng paraan para mapaglayo ang loob ng dalawa. Aaakitin ni Trixie si Migs, at paniniwalain naman niya si Sensen sa isang malaking kasinungalingan.

 

 

Sa linggong ito, hindi lang si Sensen at Migs ang tila mabubuwag, dahil mapapalitan ng paghihinala si Jenny Rose (Jelai Andres) sa kasintahan na si Eddie (Jon Gutierrez).

 

 

Mawawalan naman ng tiwala ni Coring (Ruby Rodriguez) sa asawang si Oryo (Pekto Nacua) dahil sa isang nasirang pangako.

 

 

Magkakalabo-labo man ang relasyon ng mg Guipit, magkakaroong linaw naman sa wakas ang papel ni Doc Coops (Ryan Eigenmann) sa buhay ni Vida (Ai-Ai Delas Alas) na ikababahala ni Divina.


Solid pa rin sa kilig, katatawanan at aral sa buhay ang Owe My Love sa ika-anim nitong linggo! Subaybayan muli sa Lunes, March 22, 9:35 pm sa GMA 7!