ADVERTISEMENT

Public Affairs

Good News

Urban gardening, bangus recipes at food business, tampok sa Good News!

 

Good News Kasama si Vicky Morales

September 13, 2021

Choose Bangus!

Ang bangus na unofficial pambansang isda ng Pilipinas, hindi lang pamprito, relleno, inihaw o sinigang. Samahan ang aming kitchen expert sa pagluluto ng mga bagong bangus recipes na masustansya at maiibigan ng buong pamilya. Ihanda na ang mga sangkap para sa Bangus Cordon Bleu, Crispy Bangus Sticks at Spanish-Style Bangus.

 

 

Go, Food Negosyo!

Ngayong pandemya, marami ang nawalan ng trabaho at pinagkakakitaan. Pero may mga nakilala kaming unti-unting nakababangon dahil sa diskarte't tiyaga. Kilalanin ang mga negosyanteng nakikipagsapalaran sa gitna ng mga pagsubok. Tikman ang kanilang mga kakaibang produkto gaya ng Strawberry Shortcake Ensaymada, Gelatin Cake at Black Adobo Buns.

ADVERTISEMENT

 

 

Gulay Garden!

Ang inyong bakuran, tamnan ng sustansya para sa buong pamilya. Ituturo namin kung paano itanim ang sarili n'yong mga gulay, gaya ng talbos ng kamote, turmeric, sitaw at talong. Makatitipid ka na, malilibang ka pa sa pagiging plantito o plantita.