ADVERTISEMENT

Public Affairs

Senior High School student, natagpuang wala nang buhay sa isang ilog sa Iloilo

 


Sa gilid ng isang ilog sa Barotac Viejo, Iloilo, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang senior high school student.

Ang biktima, pinaniniwalaang hinalay. Ano ang kuwento sa likod ng pagkakamatay ng dalagita sa ilog?

 

 

ADVERTISEMENT



Tuwing walang pasok sa eskuwela, namamasukan bilang labandera sa kanilang barangay sa Barotac Viejo, Iloilo ang 16 taong gulang na si Camille. Dahil kapos ang pamilya, ito raw ang naisip niyang paraan para makatulong. Matayog ang kanyang mga pangarap para maiahon ang pamilya sa hirap pero ang lahat ng ito, winakasan ng malagim na krimen.

 



Gabi noong ika-15 ng Agosto, habang pauwi, hindi niya inakala ang peligrong naghihintay sa daan. Sa kalagitnaan ng paglalakad, isang malagim na krimen ang bumungad sa kanya. Kinabukasan, natagpuang inilibing sa tabi ng ilog ang bangkay ni Camille. Ano nga ba ang sinapit ni Camille? Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na sinapit ng dalagita?

Subaybayan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina Jay Arcilla at Barbara Miguel sa Imbestigador ngayong December 12, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.