ADVERTISEMENT

Public Affairs

San Miguel Bulacan arson with homicide case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

 



IMBESTIGADOR: SAN MIGUEL BULACAN ARSON with HOMICIDE CASE
Sa pagganap nina Rochelle Pangilinan, Kiel Rodriguez at Archie Alemania

ADVERTISEMENT

September 4, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

 

Nabulabog ang payapang araw ng mga residente ng Brgy. San Juan sa San Miguel, Bulacan nito lamang Agosto 7. Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan kabilang na ang bahay ni Margil Miranda. Ang mas malungkot, kasama sa mga naabo si Margil.

Sa imbestigasyon, lumalabas na s?nadya ang ginawang pagsunog at pagpatay sa biktimang si Margil. Nang araw na iyon, isang lalaki raw na may dalang itak ang sumugod sa kanilang bahay hanggang tuluyang inundayan ng saksak si Margil. Kalaunan, sinilaban siya na walang kalaban- laban.

Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen? Ano ang kanyang motibo para patayin at sunugin si Margil?

Abangan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina Rochelle Pangilinan, Kiel Rodriguez at Archie Alemania sa Imbestigador ngayong September 4, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.