ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

8-anyos na bata, patay nang mabangga ng umabanteng truck sa Cebu; kaniyang lola, sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang walong-taong-gulang na bata ang nasawi habang sugatan ang kaniyang lola matapos silang mabangga ng isang truck na biglang umabante sa Balamban, Cebu.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon ng Balamban Police na pinatatakbo ng truck driver ang truck pero hindi ito umandar.

Kaya bumaba umano ang driver para tingnan ang baterya ng sasakyan nang bigla itong umabante.

Nasalpok ng truck ang mag-lolang biktima na patawid noon sa kalsada at pauwi na mula sa paaralan.

Sugatan ang lola habang napuruhan naman ang kaniyang apo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver, na sinuspinde na rin ang driver's license at inisyuhan ng show cause order ng Land Transportation Office.

Inihahanda na rin ang kaukulang reklamo na isasampa laban sa kaniya.

Patuloy na sinisikap na makuha ang pahayag ng driver, pati na ang mga kaanak ng mga biktima, ayon sa ulat. – Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags: accident