ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Tricycle driver na nakatulog sa kaniyang sasakyan, patay nang mabagsakan ng malaking puno sa Ilocos Sur
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang 45-anyos na tricycle driver matapos siyang mabagsakan ng nabuwal na malaking puno ng Acacia habang nagpapahinga sa kaniyang sasakyan sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pumarada ang biktima at nakatulog sa kaniyang tricycle noong Lunes ng hapon, nang mangyari ang insidente.
May nakalagay na umanong babala sa puno at binalaan din ng mga awtoridad ang biktima na huwag sumilong sa lilim ng puno dahil mapanganib.
Maaaring lumambot umano ang lupa dahil sa mga pag-ulan kaya nabunot ang puno.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng biktima, ayon sa ulat. – FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular