ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
2 empleyado, nasawi nang bumagsak ang ikalawang palapag ng pinapasukan nilang bodega sa Bulacan
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dalawang empleyado ang nasawi, at tatlong iba pa ang nasugatan nang gumuho ang ikalawang palapag ng pinapasukan nilang bodega sa Bocaue, Bulacan.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Cental Luzon nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na hindi kinaya ng palapag ang bigat ng mga kahon na puno ng parcel kaya ito gumuho,
Nadala pa sa ospital ang mga biktima pero nasawi kalaunan ang dalawa dahil sa matinding sugat na tinamo sa katawan.
Tatlo naman ang nasugatan, pero nakalabas na sa pagamutan ang dalawa sa kanila.
Other Stories
Ayon sa awtoridad, nagkaroon na ng pag-uusap ang pamilya ng mga biktima at may-ari ng bodega na nangakong sasagutin ang lahat ng gastusin ng mga biktima. – FRJ, GMA News
Tags: acccident
More Videos
Most Popular