ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Lalaking ilang araw nang nawawala, nakitang patay 'di kalayuan sa puntod ng kaniyang asawa
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay na nang matagpuan ang isang 71-anyos na lalaki na ilang araw nang nawawala sa Midsalip, Zamboanga del Sur.
Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing nakita ang bangkay ng biktima hindi kalayuan sa lugar kung saan nakalibing ang kaniyang asawa sa Barangay Matalang nitong Lunes ng umaga.
Hinihinala na dumalaw ang biktima sa kaniyang kabiyak pero hindi na nakauwi noong April 23, 2026.
Base sa pagsusuri mula sa Midsaliip Regional Health Unit sa mga labi ng lalaki, nakaranas siya ng heart attack.
Sa kaniyang medical results, nakasaad ang myocardial infarction secondary to chronic hypertension.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang kaniyang mga kaanak, ayon sa ulat.-- FRJ, GMA News
Tags: Heart Attack
More Videos
Most Popular