ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
22-anyos na lalaki, patay nang makuryente sa sinaksak niyang electric heater sa Negros Occidental
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang 22-anyos na lalaki nang makuryente sa pagsaksak niya ng electric heater sa kanilang bahay sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Sa ulat ng GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, sinabi ng kaanak na mag-iinit sana ng tubig ang biktima nitong Martes sa kusina ng kanilang bahay sa Barangay Aguisan.
Nakita na lang nila ang biktima na nakabulagta na sa sahig at napag-alaman na nakuryente sa pagsaksak ng heater. – FRJ, GMA News
Tags: electricution
More Videos
Most Popular