2 rider, nasawi matapos magbanggaan ang minamaneho nilang mga motorsiklo sa Mangaldan, Pangasinan
Nasawi ang dalawang rider, habang sugatan ang isang angkas, makaraang magkasalpukan ang minamaneho nilang motorsiklo sa Barangay Amansabina sa Mangaldan, Pangasinan nitong Sabado ng gabi.
Sa ulat ni Jasmien Gabriel-Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang 20-anyos na rider kasama ang kaibigan nito, nang makasalpukan nila ang nakasalubong na motorsiklo.
Ayon sa pulisya, nag-overtake umano ang motorsiklo sa isang sasakyan, at nakabanggaan nito ang nakasalubong na isa pang motorsiklo.
Batay pa rin sa impormasyon mula sa awtoridad, walang mga suot na helmet ang dalawang rider, na pareho rin umanong nakainom ng alak.
Other Stories
Nasawi ang dalawang rider, habang sugatan ang angkas ng isa sa mga biktima na dinala sa ospital.
Hindi naman matanggap ng lola ng isa sa mga nasawing rider ang sinapit ng kaniyang apo, na inilarawan niyang mabait at inaasahang makakasama niya sa bahay.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng isa pang nasawing rider, ayon sa ulat.
Samantala, inihayag din ng mga awtoridad na hindi pa umano nagkaka-usap ang mga kaanak ng mga sangkot sa insidente. – FRJ, GMA News