ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

2 DPWH engineer, sinibak sa puwesto dahil sa pagkamatay ng lalaking nahulog sa butas na drainage sa Pampanga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinibak sa puwesto ni Public Works Secretary Vince Dizon ang dalawang district engineer sa Pampanga dahil sa umano’y kabiguang ipatupad ang mga hakbang para kaligtasan ng mga tao sa kalsada. Kaugnay ito sa pagkasawi ng isang lalaking nahulog sa butas na drainage sa Angeles City, Pampanga na hindi makikita dahil sa lubog sa baha ang lugar.

Sa isang memorandum na inilathala sa official DPWH page, kinilala ang mga tinanggal sa puwesto sa Pampanga 3rd Officer-in-Charge District Engineer na si Aser S. Mallari at OIC Assistant District Engineer na si Augustin R. Dagsaan, Jr.

Nabigo umano ang dalawa na ipatupad ang mga kinakailangang safety measures sa Fil-Am Friendship Highway sa Angeles City, Pampanga, kung saan namatay ang isang lalaki matapos na mahulog sa isang binahang nakabukas na drainage canal noong nakaraang linggo.

"In view of your failure to comply with the required safety standards, among other infractions, you are hereby relived of your duties as Officers-in-charge, Office of the District Engineer and Office of the Assistant District Engineer, Pampanga 3rd District Engineering Office, effective immediately," nakasaad sa memorandum na pirmado ni Dizon.

"To ensure the uninterrupted delivery of public service, you are to conduct an inventory, accomplish, complete, and sign all pending documents and deliverables, and formally turn over all offici (redacted) to the appropriate office."

Nakasaad din sa pahayag ng DPWH na, "Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang pagpapatupad ng safety at quality standards sa lahat ng proyekto upang masiguro ang kaligtasan ng publiko, tiniyak ng Kalihim na mananagot ang mga opisyal ng DPWH na nagpapabaya sa tungkulin." — FRJ, GMA News

Tags: accident, DPWH