ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Bagong silang na sanggol na babae, nakitang patay at nakasilid sa sako sa Negros Occidental


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay na nang matagpuang ang isang bagong silang na sanggol na babae sa isang sako sa Toboso, Negros Occidental.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabi ng pulisya na nakabalot sa tela ang sanggol saka isinilid sa sako, at nakita ng isang residente sa gilid ng isang bahay.

Tumugon ang pulisya sa insidente at inanyaya sa presinto ang 17-anyos na ina ng sanggol.

Hinala ng mga awtoridad na itinago ng menor de edad ang kaniyang pagdadalantao.

Isinailalim sa pagsusuri ang labi ng sanggol para alamin ang dahilan ng pagkamatay. —Jamil Santos/KG, GMA News