ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Lalaking wanted sa kasong rape, dinakip nang kumuha ng NBI clearance sa Iligan City
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Arestado ang isang lalaki na may outstanding warrant para sa kasong rape, nang matuklasan ang kaniyang kaso matapos kumuha ng NBI clearance sa Iligan City.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nang kumuha ng NBI clearance ang lalaki, nagsagawa ng verification kaya nagtugma ang kaniyang pangalan, kaso, address, at court records sa inilabas na warrant ng korte.
Aminado ang akusado na may kaso siya, ngunit inakala niyang naayos na ito.
Nasa kustodiya ng NBI Iligan District Office ang akusado habang hinihintay ang commitment proceedings at ang utos galing sa korte. —Jamil Santos/VBL, GMA News
Tags: Rape, NBI clearance
More Videos
Most Popular