ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News
Batang lalaki, patay nang malunod sa hukay na gagawing poso negro sa Davao City
By GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bangkay na at palutang-lutang ang isang batang lalaki matapos malunod umano sa isang hukay na gagawin sanang poso negro sa Davao City.
Sa impormasyon ng GMA Regional TV na iniulat sa Balitanghali nitong Martes, sinabing natuklasan ang katawan ng biktima sa isang hukay sa Barangay Tawan-Tawan noong Sabado ng gabi.
Walang nakikitang foul play ang mga awtoridad sa insidente.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng limang taong gulang na bata. —Jamil Santos/VBL, GMA News
Tags: drowning
More Videos
Most Popular