ADVERTISEMENT
Filtered By: Balitambayan
News

Bagong silang na sanggol, tinangay sa ospital sa Pampanga; babaeng suspek, huli


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang bagong silang na sanggol ang tinangay sa isang ospital sa Mabalacat, Pampanga. Ang babaeng suspek, arestado.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng Mabalacat City Police na natutulog ang mga magulang ng sanggol nang kunin ito ng babae pasado 1 a.m.

Ibinalot umano sa balabal ang sanggol saka isinilid sa eco-bag.

Nakita pa sa CCTV ang pagsakay ng babae sa tricycle sa labas ng ospital.

Sa follow-up operation ng pulisya, nahanap ang babae sa bayan ng Magalang, at nabawi ang sanggol at naibalik na sa pamilya nito.

Sinabi ng babae na na-depressed siya matapos siyang mawalan ng anak kaya niya nagawa ang krimen.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may pananagutan ang ospital dahil sa hindi awtorisadong paglabas sa bata.

Sinisikap ng GMA Regional TV na makuha ang pahayag ng pamunuan ng ospital. —Jamil Santos/VBL, GMA News