'My Bebe Love' stars Alden Richards at Maine Mendoza, aminadong kumportable sa isa't isa | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ayon sa AlDub, "swak" sila sa isa't isa. 

'My Bebe Love' stars Alden Richards at Maine Mendoza, aminadong kumportable sa isa't isa

By CHERRY SUN

Ngayong mas madalas nang nagkikita, nagkakasama at nag-uusap sina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi maiwasang matanong ang tunay na status ng kanilang relasyon.

Tumanggi man ang dalawang 'My Bebe Love' stars na magkuwento ng detalye tungkol sa kanilang personal na buhay, aminado sina Alden at Maine na kumportable sila sa isa’t isa.

Paliwanag ni Maine sa grand press con ng kanilang Metro Manila Film Festival entry, “Mas kinikilala palang po namin ‘yung isa’t isa, and ngayon po very good friends po kami. Wala pong halong ka-showbizan ‘yun. As in good friends po kami ngayon.”

READ: “She’s a natural” – Vic Sotto on Maine Mendoza 

“We began to know each other after [Sa] Tamang Panahon. Nag-e-enjoy po akong kasama siya. Nag-e-enjoy po akong katrabaho siya sa mga ginagawa ko and I’m very comfortable with her,” pagsang-ayon naman ni Alden.

Ani Maine, na-meet ni Alden ang kanyang expectations nang mas makilala niya ang Kapuso hunk lalo na sa pagiging isang gentleman.

Bahagi niya, “Kasi before pa, ang daming nagsasabi sa akin, ang daming nagkukuwento na gentleman nga po si Alden and napatunayan ko naman po kasi nagkatrabaho po kami."

"And funny siya, funny-walain. ‘Yung sense of humor din niya talaga, nagswa-swak po kami talaga," dugtong niya.

READ: Alden Richards at Maine Mendoza, mami-miss ng 'My Bebe Love' director Joey Reyes

On entering a relationship

Parehong single ngayon sina Alden at Maine. Hindi rin nila itinatangging bukas sila sa maaaring itakbo ng kanilang mabuting relasyon. Ayon sa bagong aktres ay wala raw pumuporma o nanliligaw sa kanya ngayon, habang pinili naman daw ng Pambansang Bae na manatiling out of a relationship.

Sambit ni Alden, “’Yung focus ko po is nandito sa AlDub. I’m not entertaining any feelings towards any one. It’s a matter of choice po and I choose to focus on what’s happening.

“Wala naman pong imposible. Tingnan na lang po natin, 'wag po natin pangunahan. Tingnan po natin sa future kung ano po mangyayari,” pahayag naman ni Maine.