Dennis Trillo at Ruru Madrid, excited na ipapalabas ang 'Green Bones' sa Los Angeles
January 09 2025
Maliban sa extended screening sa mga sinehan sa Pilipinas, malapit na rin ipapalabas ang inspirational-drama film na Green Bones sa big screens ng Hollywood.
Kabilang ang pelikula sa hinihintay na Manila International Film Fest 2025 (MIFF) na gaganapin mula January 30 hanggang February 2, 2025 sa Los Angeles, California. Kasama rin nito ang iba pang tinatangkilik na 2024 Metro Manila Film Festival movies at ang high-grossing film ng GMA Pictures at Star Cinema na Hello, Love, Again.
"Dadalhin natin itong films ng Metro Manila Film Festival to Hollywood. Hello, Love, Again will also be screened at the Manila International Film Fest. Since ang Green Bones ang nanalo na Best Pictures natin sa MMFF, isa ito sa highlights," pahayag ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez.
Invited ang main leads ng pelikula na sina Best Actor Dennis Trillo at Best Supporting Actor Ruru Madrid sa screening at gala night ng MIFF.
Excited na raw ang dalawang Kapuso actors sa festival, lalo na si Ruru na first time lilipad papuntang US.
"Dahil sa pelikula po na Green Bones, parang makakamit ko na 'yung isang pangarap na iyon. Hindi rin ako makapaghintay na mapanood po nila ang pelikula na Green Bones," ani ng primetime action hero.
Para naman kay Dennis, dream come true raw bilang aktor ang lahat nangyayari sa kanya dahil sa inspirational-drama film. Kamakailan lang, ibinahagi ng Kapuso Drama King ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang natanggap niya ngayong 50th MMFF.
"Hindi mangyayari iyon kung hindi sa lahat ng mga nanood, sumuporta, naniwala sa project. Utang lahat namin sa inyo. Salamat po sa lahat ng mga pumunta sa sinehan at gumastos para panoorin itong pelikula namin," tuwang sinabi ni Dennis.
Patuloy mapapanood ang GMA Pictures at GMA Public Affairs entry na Green Bones hanggang January 14 sa mga piling sinehan nationwide.
Ito ay idinerehe ni Direk Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Anj Atienza. Ito rin ay co-produced ng Brightburn Entertainment at distributed ng Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.
Balikan ang congratulatory messages ng ilang celebrities sa pelikulang Green Bones:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus