Bagong MMFF movie ni Dennis Trillo na 'Amir,' layong magbigay ng malinis na pananaw sa mga manonood | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Para kay Dennis Trillo, ang bago niyang MMFF entry na Amir ay parang pagtingin sa mundo mula sa mata ng isang bata, isang paalala na kailangan umano ng mga tao ngayon.

Bagong MMFF movie ni Dennis Trillo na 'Amir,' layong magbigay ng malinis na pananaw sa mga manonood

By MARK JOSEPH CARREON

Itinuturing ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na isang malaking biyaya ang pagkakaroon muli ng malaking proyekto na opisyal na nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2026, ang Amir.

Sa kaniyang panayam sa GMA News Interviews kasama si Nelson Canlas, ibinahagi ng aktor kung gaano kahalaga ang mensahe ng kanilang pelikula para sa mga manonood ngayon.

“Maswerte kami na magkaroon ulit ng ganitong klaseng kalaking project at tamang-tama naman na nilagay siya as entry sa Metro Manila Film Festival,” ani Dennis.

Ayon sa aktor, nagbibigay ang pelikula ng kakaibang pananaw na makatutulong upang muling maging dalisay at bukas ang isipan ng publiko sa gitna ng magulong mundo.

“Kapag pinanood mo 'to, it's like viewing the world, seeing the world through the eyes of a child. Kailangan natin ngayon 'yon kasi 'yung ating perspective, 'yung ating pananaw sa maraming bagay, medyo nabahiran ng kung ano-anong dumi. Kaya minsan, naiiba na kasi nagiging bias ka na sa mga iba't ibang opinyon,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Dennis na tamang-tama ang pagpapalabas nito sa kapaskuhan upang magbigay ng inspirasyon at paalala sa bawat pamilyang Pilipino.

Muling nagbabalik si Dennis sa Metro Manila Film Festival sa kaniyang pelikulang ito kung saan makakasama naman niya ang isa pang magaling na child actor na si Argus Aspiras.

Kasama nina Dennis at Argus sa proyektong ito ang iba pang kilalang Kapuso stars tulad nina Glaiza de Castro, Will Ashley, Caprice Cayetano, Heath Jornales, at marami pang iba.

Inilunsad ang Amir kasabay ng tatlo pang opisyal na kalahok sa festival: 2nd Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films; Haunted Carnival ng Regal Films; at The Greatest Showdown ng Star Cinema.

Related Gallery: The ageless charm os Kapuso Drama King, Dennis Trillo