Papa Piolo of Cebu and Papa Lito of Bacolod, happy to be part of Barangay LS
October 14 2015
By AEDRIANNE ACAR
Super proud at nakakataba raw ng puso para sa mga regional DJs ng Barangay LS 97.1 na mapabilang sa nangunguna at pinakamalaking FM station ng bansa.
At lalo daw mas dapat tutukan ang Kapuso radio station dahil simula ngayong Oktubre, mapapakinggan na ang mga programang tulad ng Wanted Sweetheart, Bida Sa Barangay, Barangay Love Stories at Potpot and Friends nationwide.
READ: 'Wanted Sweetheart' goes nationwide tonight!
'Potpot and Friends,' ang number one barkada ng buong Pilipinas!
Pilipinas, handa na ba kayong bumida kasama si Papa Carlo?
Nationwide invasion of 'Barangay Love Stories'
Sa exclusive interview ng GMA Network.com kay Papa Lito na mula sa Bacolod, masaya at malaking pressure daw ang maging miyembro ng Barangay LS 97.1.
Ani ni Papa Lito, “Nakakatuwa po, nakakasaya, nakaka-excite ng feeling. Parang mayroon akong obligasyon na mas maging magaling para sa aming istasyon, sa Barangay LS.”
Para naman sa host ng Wanted Sweetheart sa Cebu na si Papa Piolo, dream daw talaga niyang maging DJ at natutuwa siya na napakahumble ng mga Manila disk jocks sa kanila.
“Well DJ talaga ‘yung dream ko, being a jock ‘yun talaga ‘yung ultimate dream ko. It’s a dream come true.”
As for his co-DJs, kamusta naman sila ka-trabaho?
“First it’s fun to be with them, like the fact that they're actually from here and they are the main jocks. Sila ‘yung parang flagship talaga sa lahat ng mga DJs [sa] entire Philippines.”
Ibinalita din ni Papa Piolo na certified number one ang programa niya na Wanted Sweetheart sa Cebu kaya kapana-panabik daw na maririnig na ang programa ni Papa Dan sa buong Pilipinas.
“Wanted Sweetheart is a three-peat number one program in Cebu, ‘yun ‘yung dinadala ko. Number one din kami sa Cebu, ang Barangay RT. So what more pa kung nationwide na tayo. I’m more excited because Wanted Sweetheart and Potpot and Friends are nationwide na so malaki na ‘yung area na kini-cater nung program… And of course big success 'yan sa station.”
Pinuri din ng Bacolod DJ na si Papa Lito si Papa Dan dahil nung nakameet daw niya ito ay napakagaling na makisama.
“Napakagaling po niyang DJ, marunong po siyang makihalubilo sa amin. Alam niya po kung paano kami pakisamahan.”
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus