WATCH: Denise Barbacena, nilinaw kung bakit hindi napapanood ang ibang stars ng 'Bubble Gang' every Friday night | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Denise, nagkuwento ang sexy comedienne tungkol sa 'Bubble Gang' at kung bakit nawawala ang ibang cast nito. 

WATCH: Denise Barbacena, nilinaw kung bakit hindi napapanood ang ibang stars ng 'Bubble Gang' every Friday night

By AEDRIANNE ACAR

Masarap ang naging kuwentuhan sa morning radio program ni Mama Belle, dahil special guest ang ‘Bubble Gang’ comedienne na si Denise Barbacena last January 16.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Denise, ni-reveal ng singer/actress kung bakit may ilan sa mga main stars ng Bubble Gang ang minsan ay hindi napapanood sa gag show.  

Aniya, “Kami po siyempre sa Bubble bilang Bubble Gang family masaya kami pagka nagkakaroon ng bagong blessing ‘yung kasama namin, like kunwari sina Kuya Betong [Sumaya], sila Andrea [Tores], sina Max [Collins] pag nagso-soap sila. ‘Yun nga lang talagang pag nagso-soap sila, hindi talaga sila nakakapag-Bubble kasi M-W-F.”

“Lalo na kung lead role. Oo, nami-miss namin sila, pero ganun talaga, nagshi-shift rin talaga ‘yung casting.”

Para sa mas kumpletong chikahan with Denise, panoorin below ang Facebook Live video ng magandang dalaga:

 

More on BARANGAY LS:

Sikat sa Barangay: Kristoffer Martin talks about 'Hahamakin ang Lahat' co-star Snooky Serna

Talk to Papa: Alin sa goals sa bucket list ni Ivan Dorschner ang natupad nang makasama siya sa 'Meant To Be?'

WATCH: 'Meant To Be' hunk Addy Raj spotted in Sikat Sa Barangay