Dawn Zulueta, biniyan diin na bukod sa 'quality time' mahalaga din ang 'quantity time' with the family | GMANetwork.com - Radio - Articles

Para kay Dawn Zulueta, hindi lang dapat 'quality time' ang ibinibigay ng magulang sa kanilang mga anak, kundi pati na rin 'quantity time' o mas maraming oras ng bonding with them.

Dawn Zulueta, biniyan diin na bukod sa 'quality time' mahalaga din ang 'quantity time' with the family

By AEDRIANNE ACAR

Isang importanteng payo ang iniwan ng magaling na movie actress na si Dawn Zulueta sa lahat ng mga Kapuso tungkol sa pagpapahalaga sa oras kasama ang mga mahal natin sa buhay.

 

Dawn Zulueta
Dawn Zulueta

 

EXCLUSIVE: 'Bidang-bida sa Dobol B,' hatid ang umaatikabong showbiz news at blind items tuwing hapon!

WATCH: #BiDawn love team tampok sa Kapuso ArtisTambayan

Sa naging radio guesting ni Ms. Dawn sa Bidang-bida sa Dobol B last June 4, ibinihagi niya ang sikreto nila ng kanyang asawa na si Anton Lagdameo. Para sa kanya, bukod sa quality time ay dinadamihan din nila ang bonding moments nila with their kids Jacobo and Ayisha.

Paliwanag ni Dawn, “I think one of the secrets kung matatawag mo ‘yun ay hindi lang quality time. ‘Yung sinasabi nilang dapat quality time kayo importante rin ‘yung ‘quantity time.’

“Huwag din natin ‘yun i-balewala, huwag tayo masyado nagre-rely sa quality time dapat din talaga ume-effort din tayo na damihan natin ‘yung time na magkasama tayo palagi.

“Kasi ‘yun ang gumagawa ng memories eh, ‘yun ang gumagawa ng happy memories lalo na sa mga bata. Gaya ko pinalaki ako sa isang pamilya na I was always showered with love,”

Marami din daw dapat abangan ang moviegoers sa family drama movie niya na ‘Family History’ with Kapuso comedy genius Michael V.

Anu-ano kaya ang mga exciting scenes na dapat abangan ng mga Kapuso sa pelikula nilang dalawa?

Panoorin ang chikahan nila Tootie, Mega at Janna Chuchu with Ms. Dawn Zulueta sa Bidang-bida sa Dobol B sa video below.