Arnold Clavio at Connie Sison, inalay ang nakamit nilang parangal kay Mike Enriquez | GMANetwork.com - Radio - Articles

Wagi sa 11TH PMAP Makatao Awards for Media Excellence ang ilang hosts ng Super Radyo DZBB. Congratulations, mga Kapuso!

Arnold Clavio at Connie Sison, inalay ang nakamit nilang parangal kay Mike Enriquez

By AEDRIANNE ACAR

Kinilala sa katatapos na 11th People Management Association of the Philippines (PMAP) Makatao Awards for Media Excellence ang ilan sa respetadong anchors ng Super Radyo DZBB.

Wagi ang tandem nina Arnold Clavio at Connie Sison bilang Best Radio Public Affairs Program Hosts para sa kanilang DZBB program na One on One: Walang Personalan.

Sa Instagram post ng dalawa matapos ang awarding, inalay nila ang nakuhang tropeo para sa yumao nilang boss at kasamahan na si GMA Integrated News pillar Mike Enriquez.

Pumanaw ang batikang broadcast journalist noong August 29 sa edad na 71.

Sabi ni Arnold sa kanyang IG post, “Alay namin ang karangalang ito sa iyo ama, Mike Enriquez .

“Kabahagi namin sa award na ito ang mga super radyo reporters, dzbb news desk at siyempre ang aming mga darleng at team bulalo!!!

“To God be the Glory.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Hindi naman naiwasan ni Connie na malungkot dahil sa tuwing nakakatanggap daw siya ng award ay personal niya itong pinapaalam kay Mike.

Lahad niya, “Sa tuwing magkakaaward po ako sa Radyo, lagi kong tinetext si Sir Mike para pasalamatan siya sa oportunidad na ibinigay niya sa akin na mapabilang sa @dzbb594 family. Niloloko ako ng mga kasamahan ko kanina na i-check ko ang phone ko, baka daw sumagot si Sir. Oddly, some part of me wished that, “sana nga.” (Di ka naman kase matatakot pag minamahal at nirerespeto ang isang tao. O ako lang ba?).”

Pagpapatuloy ni Connie, “Pero alam kong di na mangyayari yun. Di ko man matatanggap na ang anumang encouraging words galing sa kanya ngayong nilisan na niya tayo, alam kong alam niya, na taos puso naming iniaalay ang aming award sa kanya ngayong araw.

“Ang dedikasyon niya sa aming propesyon ang pinanghahawakan din naming inspirasyon para mapagbuti lalo namin ang pagsisilbi sa bayan.

“Maraming Salamat po sa bumubuo ng PMAP Makatao Awards para sa parangal na inyong iginawad sa amin ng aking partner na si @akosiigan bilang Best Radio Public Affairs Program Hosts para sa One on One: Walang Personalan. Congratulations din sa lahat ng awardees. To God be the Glory.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Connie Sison (@connie_sison)

Kinilala rin bilang Best News Program Hosts sina Joel Reyes Zobel at Melo Prado ng Super Balita sa Umaga. Nanalo rin ang AM radio program na Dobol Weng sa Dobol B bilang Best Radio Public Affairs Program na pinangungunahan nina Weng Dela Peña at Weng Salvacion.

Tingnan ang ilan sa tributes ng mga kilalang radio personalities para sa yumaong award-winning radio anchor na si Mike Enriquez DITO.