EXCLUSIVE: Alden Richards, kanino dine-dedicate ang 'Adrenaline Rush' | GMANetwork.com - Records - Articles

Kung dati ay dedicated sa kanyang fans, family and loved ones ang kanyang mga naunang proyekto, inaalay naman daw ngayon ni Alden Richards ang ‘Adrenaline Rush’ para sa kanyang sarili.

EXCLUSIVE: Alden Richards, kanino dine-dedicate ang 'Adrenaline Rush'

By CHERRY SUN

 

Maliban sa stunts at performances na unang beses pa lang gagawin ni Alden Richards para sa kanyang ‘Adrenaline Rush’ concert, isa pang bagay ang gagawin niya sa unang pagkakataon.

Kung dati ay dedicated sa kanyang fans, family and loved ones ang kanyang mga naunang proyekto, inaalay naman daw ngayon ni Alden ang ‘Adrenaline Rush’ para sa kanyang sarili.

Paliwanag niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Iba ‘yung drive kasi when you do something [for yourself]. Syempre iba motivation mo when you do some things for other people. Iba rin ‘yung motivation pag ginagawa mo ‘to for yourself. Magkaibang high sila, happiness.”

“So ngayon ko pa lang nae-explore ‘yung doing things that I’d love to do for myself. Nakaka-fulfill siya, very fulfilling,” patuloy ng Pambansang Bae.

Ang ‘Adrenaline Rush’ concert ay magaganap sa Kia Theater mamayang gabi, September 21. Kasabay nito ay ang release ng physical copies ng album ni Alden under GMA Records.