Golden Cañedo, saan humuhugot para sa new single na 'Tayo Pa Rin?' | GMANetwork.com - Music - Articles

Bukas, March 30, ilalabas na ang second single ng 'The Clash' champion and GMA Music artist na si Golden Cañedo. Saan nga ba siya humuhugot para sa kanyang kantang “Tayo Pa Rin?”

Golden Cañedo, saan humuhugot para sa new single na "Tayo Pa Rin?"

By CHERRY SUN

Bukas, March 30, ilalabas na ang second single ng The Clash champion and GMA Music artist na si Golden Cañedo. Saan nga ba siya humuhugot para sa kanyang kantang “Tayo Pa Rin?”

 

Golden Cañedo
Golden Cañedo

 

Sabay ang digital release at music video launch ng “Tayo Pa Rin” ni Golden bukas, March 30. Sa kanyang media conference na ginanap kanina, March 29, ibinahagi ng young Kapuso singer ang kuwento ng kanyang kanta.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#TayoPaRinGolden at #TayoPaRinGoldenMV bukas na!

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on

 

Aniya, “LDR po siya na parang naghiwalay po sila pero sa kabila po ng lahat ng challenges sa buhay nila eh sila po talaga, meant for each other po talaga sila.”

Hindi pa man niya nararanasan ang ganito, hindi raw ito hadlang para hindi niya mabigyan ng mahusay na interpretation at powerful performance ang kanyang single.

Bahagi ni Golden, “Iniintindi ko po talaga ‘yung kanta, kung [tungkol po saan] ‘yung song. Kung hindi ko man po naranasan pa, naghahanap talaga ako ng way para makuha ‘yung emotion ng kanta. So  binabasa ko lahat ng lyrics, ‘yung kung ano po ‘yung tamang emosyon nun, ibinibigay ko po talaga. Iniisip ko rin po ‘yung mga inspirasyon ko sa buhay kaya nalalabas ko sa kanta po.”