Betong Sumaya on signing with GMA Music: 'Isang pangarap na natupad' | GMANetwork.com - Music - Articles

Ngayong Miyerkules, July 10, opisyal nang pumirma bilang exclusive recording artist ng GMA Music si Betong upang ipamalas ang kanyang galing sa pagkanta

Betong Sumaya on signing with GMA Music: "Isang pangarap na natupad"

By AL KENDRICK NOGUERA

Hindi alam ng karamihan na bukod sa pag-arte ay may itinatago pang talento si Betong Sumaya.

 

Betong Sumaya
Betong Sumaya

 

Ngayong Miyerkules, July 10, opisyal nang pumirma bilang exclusive recording artist ng GMA Music si Betong upang ipamalas ang kanyang galing sa pagkanta.

"Isang pangarap na natupad kasi talagang isa sa mga passion ko is singing. Oo 'yun talaga 'yung isa sa gusto kong gawin, kumanta nang kumanta," paunang pahayag ni Betong matapos siyang pumirma ng kontrata.

Sa wakas daw ay mas marami na ang makaririnig ng kanyang tinig sa pamamagitan ng mga kantang ilalabas niya under GMA Music. Ani Betong, "Ginagawa ko lang [ang pagkanta] sa banyo, sa GMA Pinoy TV concerts, pero ito ngayon. Wow! overwhelming."

Bilang baguhan sa music industry, ito lang daw ang hinahangad ni Betong sa kanyang mga kanta. "Sana maaliw sila and at the same time, ma-LSS ka, palagi mong kakantahin," saad niya.

"Sana magustuhan nila kung ano ang ihahandog ng GMA Music sa pamamagitan ng aking tinig. So suportahan sana tayo ng mga Kapuso," pagtatapos ng GMA Artist Center talent.