EXCLUSIVE: Ano ang reaksyon ng RitKen nang mapakinggan ang new single nila na 'Tayo ay Forever?' | GMANetwork.com - Music - Articles

Nagbabalik sa music scene ang Kapuso love team na sina Rita Daniela at Ken Chan via their new single under GMA Music na "Tayo ay Forever."

EXCLUSIVE: Ano ang reaksyon ng RitKen nang mapakinggan ang new single nila na "Tayo ay Forever?"

By AEDRIANNE ACAR

Nagbabalik sa music scene ang Kapuso love team na sina Rita Daniela at Ken Chan via their new single under GMA Music na "Tayo ay Forever."

 

Ken Chan & Rita Daniela
Ken Chan & Rita Daniela

 

Ang kanta ang magsisilbing official theme song ng Kapuso FM station na Barangay LS 97.1.

 

Sa panayam sa RitKen ng GMANetwork.com matapos ang shoot nila ng music video ng ‘Tayo ay Forever’ kamakailan, ibinahagi nila ang unang nilang naisip nang mapakinggan nila ang bago nilang kanta.

Ayon kay Ken, “Nung narinig ko yung song sobrang ang dali ko siyang natutunan kasi very catchy.”

Dagdag ni Rita, “At tsaka very Ken Chan yung song! I have to say yung mga ganun style, yung mga ganun genre yun ‘yung style ni Ken. Tapos lalo na 'pag tagalog. Kaya actually nung narinig ko rin ‘yun (Tayo ay Forever), ‘yung naisip ko pang Ken Chan ito, back up lang ako dito ni Ken Chan.”

Marami rin daw makaka-relate sa kantang "Tayo ay Forever" na ‘feel good’ at masarap pakinggan.

Dagdag ni Ken, “Maganda yung song and talagang feel good lang at very light. Itong song na ito, it’s about love and forever.”

Hindi lang siya sa dalawang tao pati friends, family, and sa lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo na dapat i-spread mo sa kanila yung love.”

"Tayo ay Forever" is now available on Spotify, Apple Music, and other digital stores worldwide!

'EXCLUSIVE: Ken Chan at Rita Daniela, aawit ng theme song ng Barangay LS

EXCLUSIVE: Rita Daniela at Ken Chan, mahanap kaya ang forever sa bagong digital project?