Hannah Precillas, aminadong natakot kumanta ng ibang genre | GMANetwork.com - Music - Articles

Isang novelty pop song ang bagong single ni Hannah Precillas na sumikat sa kanyang pagbirit at ballad performances. Ano ang nagkumbinsi sa kanyang kantahin ang "Sabi Ko Na Nga Ba?" Alamin dito.

Hannah Precillas, aminadong natakot kumanta ng ibang genre

By CHERRY SUN

Aminadong lumabas sa kanyang comfort zone si Hannah Precillas sa pag-peform kanyang bagong single na “Sabi Ko Na Nga Ba.”

 

Hannah Precillas

 

Tinaguriang Kapuso OST Princess, kilala si Hannah sa kanyang pagbirit at ballad songs. Kaya naman, hindi naging madali para sa kanya na gumawa ng kantang nasa ibang genre.

Ito ang ikinuwento ni Hannah sa kanyang virtual video conference kasama ang members ng entertaintment press ngayong araw, October 1.

Wika niya, “Noong una po noong sinabi na i-try natin ‘yung ibang genre, inaamin ko sa sarili ko na kinabahan ako, natakot ako. Nandoon po ‘yung takot kasi dati pa pagka ganoong bagay pinag-uusapan, nagkakaroon ako ng doubt sa sarili ko eh. Iniisip ko hindi ko kaya. Baka hindi magustuhan ng mga makikinig pero dito sa kantang ‘to, nung binigay sa akin, nung pinarinig sa akin, sinabi ko agad na, ‘Go po, hindi ko po aatrasan ‘yan. Ire-record ko po ‘yan.”

Tinanggap daw ni Hannah ang kanta bilang isang hamon.

Patuloy niya, “Pag hindi ko pinagkatiwalaan ‘yung sarili ko, malalaman ng mga tao ‘yun eh. ‘Ay hindi rin siya nag-enjoy sa kinanta niya. So bakit kami mag-e-enjoy?’ ‘Yun ang naging ano ko talaga, kumbaga inspirasyon na igihan pa lalo sa genre na ‘to na ibang-iba talaga sa usual na kinakanta ko.”

Kahit bago sa kanyang ang genre, inamin din niya sa kanyang sarili na na-enjoy din niya ang pagkanta ng “Sabi Ko Na Nga Ba.”

Maliban sa madali itong sabayan at inihalintulad niya sa pagbi-videoke, marami rin daw ang makaka-relate sa tunog nito.

Paliwanag niya, “Since millennial din naman ako, hindi naman naging mahirap for me kasi nga these days halos ganoon na ‘yung mga genre na lumalabas, ‘yung lagi natin nadidinig. ‘Yun ang kagandahan habang nire-record ko ‘yun.”

ALSO WATCH: Hannah Precillas performs 'Sabi Ko Na Nga Ba' on 'Unang Hirit