Jeremiah Tiangco, mayroon nang debut single sa ilalim ng GMA Music | GMANetwork.com - Music - Articles

Tuluy-tuloy na talaga ang pag-arangkada ng music career ng The Clash season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco sa paglabas ng kanyang debut single na “Titulo” sa ilalim ng GMA Music.

Jeremiah Tiangco, mayroon nang debut single sa ilalim ng GMA Music

Tuluy-tuloy na talaga ang pag-arangkada ng music career ng The Clash season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco sa paglabas ng kanyang debut single na “Titulo” sa ilalim ng GMA Music.

 

 

Mula sa panulat nina Vehnee Saturno, Ebe Dancel, Jungee Marcelo, at Top Suzara ng Filscap Master Camp, isinasalamin ng kanta ang mga relasyong walang label.

Labis ang pasasalamat ni Jeremiah sa panibagong yugto ng kanyang career bilang isang recording artist, “I’ve been praying for this opportunity to be part of GMA Music. I am beyond blessed despite the pandemic. I have the opportunity to share my God-given talent in my simple way. I can share happiness through my music.”

Ibinahagi rin ng All-Out Sundays mainstay na siguradong makaka-relate sa kanta ang mga nasa isang relasyong higit sa magkaibigan ang turingan ngunit hindi naman magkasintahan.

“This song will remind you of someone who was once special in your life. We meet a lot of people who would make us happy just for a short period of time but they leave a huge impact in our lives. They leave us with memories and lessons that will stay with us forever,” aniya.

Mapapakinggan ang "Titulo” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide simula Oktubre 15.