Psalms David, may madamdaming mensahe sa panibagong single | GMANetwork.com - Music - Articles

Sa April 25, abangan ang kaniyang espesyal na pagtatanghal ng kanyang bagong single kasama si Christian Bautista sa weekend variety program ng GMA Network na ‘All-Out Sundays.'

Psalms David, may madamdaming mensahe sa panibagong single

May panibagong handog ang Kapuso performer na si Psalms David para sa mga fans sa sophomore single niya sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang “I Need To Know” ngayong Huwebes, Abril 15.

Sa panulat ng isa sa mga itinuturing niyang mentors at The Clash judge na si Christian Bautista, patungkol ito sa kuwento ng isang lalaki na gustong malaman kung saan siya dapat lumugar sa puso ng babaeng minamahal.

Ibinahagi ni Psalms kung paano siya nakakarelate rito at umaasa siyang maiibigan din ng mga fans ang mensahe ng kanta, “Sir Christian and I had a talk about the song and we wanted to make our viewers know that in any relationship, it is a priority to communicate always. Since I haven’t had any relationship, I can relate this song with myself in times when I need to decide whether I’ll choose myself or other people. There are many ways to connect with this song that’s why I’m excited to know how my listeners can relate to it.”

Sa mga pagsubok na hinaharap natin ngayon, naniniwala si Psalms sa kakayahan ng musika na maghatid ng aliw sa mga tagapakinig. Ayon sa kanya, nakatulong raw ito sa pagbawas ng pag-alala sa kasalukuyang sitwasyon, “It became my fortress. I believe music is an instrument of God to comfort us during this pandemic.”

Sa April 25, abangan ang kaniyang espesyal na pagtatanghal ng kanyang bagong single kasama si Christian Bautista sa weekend variety program ng GMA Network na ‘All-Out Sundays.'

Mapapakinggan na ang “I Need To Know” sa official YouTube channel ng GMA Music, Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.