'Heart of Summer' at 'See You at the Café,' mga bagong pupusuang kanta ng GMA Music | GMANetwork.com - Music - Articles

Ang “Heart of Summer” ang official soundtrack ng Heart of Asia channel, samantalang theme song naman ng 'Heartful Café' ang “See You at the Café!”

"Heart of Summer" at "See You at the Café," mga bagong pupusuang kanta ng GMA Music

By CHERRY SUN

Dalawang bagong kanta mula GMA Music ang tiyak na inyong kagigiliwan at pupusuan!

 

Julie Anne San Jose Anthony Rosaldo Hannah Precillas

 

Ngayong araw, inilabas ng ng Playlist Originals, sub-label ng GMA Music, ang kantang “See You at the Café.” Ang soulful pop track na ito na kinanta ni Julie Anne San Jose ay ang theme song ng bagong Kapuso TV series na Heartful Café na pinagbibidahan din ng Asia's Pop Diva.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Music (@gmamusic)

Maaari na ring mapakiggan ang kantang “Heart of Summer” na inawit nina Anthony Rosaldo at Hannah Precillas. Ang single na ito ay ang soundtrack ng Heart of Asia channel para sa summer station ID nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Music (@gmamusic)

Ang “See You at the Café” at “Heart of Summer” ay parehong available sa Spotify, Apple Music at iba pang digital platforms worldwide.