Jessica Villarubin, gustong maka-inspire sa bagong single na 'Beautiful' | GMANetwork.com - Music - Articles

Para sa kaniyang ika-25 na kaarawan, may regalong handog ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin para sa lahat ng mayroong tinatagong insecurities. 

Jessica Villarubin, gustong maka-inspire sa bagong single na 'Beautiful'

Para sa kaniyang ika-25 na kaarawan, may regalong handog ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin para sa lahat ng mayroong tinatagong insecurities. 

 

Jessica Villarubin

 

Sa panibago niyang single under GMA Music na pinamagatang “Beautiful,” layunin ni Jessica na hikayatin ang listeners na mas mahalin ang kanilang mga sarili.

Ang dance track na ito ay isinulat ni Marie Elisha Rodriguez at nagsisilbi itong simbolo ng naging transformation ni Jessica sa pagiging isang confident at empowered performer na handang maging boses ng mga tulad niyang minsan nang na-bully at nakaramdam ng takot na maging totoo.

“‘Di lahat ng tao may lakas ng loob na maging confident sa sarili nila, kasi yung iba nahihiya, takot, at lalo na yung mga taong naka-experience ng bullying kagaya ko. I want to remind them also, that God made us beautiful. I hope this song will really inspire you to be brave, to get out of your shell and be the best version of yourself!”

Kagaya nga ng sabi sa lyrics na "to show the world who you truly are," hiling ni Jessica na ma-inspire ang mga makikinig sa kaniyang naging journey upang maging matapang sa buhay kahit ano man ang sabihin ng iba.

Samantala, dapat ding abangan ang performance ni Jessica at ang pagpapalabas sa unang pagkakataon ng music video nito sa May 23 sa weekend musical variety program ng GMA na ‘All-Out Sundays.’

Simula May 14, available na ang “Beautiful” sa YouTube channel ng GMA Music, Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.