Kapuso OST Princess Hannah Precillas' #MuntingHilingChallenge | GMANetwork.com - Music - Articles

Manalo ng P5,000 cash sa pagsali sa #MuntingHilingChallenge ni Kapuso OST Princess Hannah Precillas.  

Kapuso OST Princess Hannah Precillas' #MuntingHilingChallenge

By AIMEE ANOC

Samahan si Kapuso OST Princess Hannah Precillas sa pagbibigay inspirasyon at saya sa pamamagitan ng pagsali sa kanyang #MuntingHilingChallenge at magkaroon ng pagkakataon na manalo ng P5,000 cash.

 

Mayroon bang #MuntingHiling na natupad dahil sa tulong mo? Ibahagi lamang ang iyong photo o video sa comment section ng promo mechanics post sa Facebook page ni Hannah.

Ipaliwanag ang photo o video na hindi lalagpas sa tatlong pangungusap at gamitin ang official hashtag na #MuntingHilingChallenge.

Huwag kalimutang i-follow ang official Facebook page ni Hannah at ng GMA Music.

Gayundin, i-like ang promo mechanics post sa Facebook page ni Hannah at isang entry lamang ang tatanggapin ng bawat taong sasali.

May pagkakataon ding mapasama ang iyong kuwento ng pagtulong sa lyric video ng "Munting Hiling" ni Hannah na mapapanood sa official social media accounts ng GMA Music.

Bukas ang online promo mula August 1 hanggang August 15 at malalaman ang nanalo sa August 17, 4:00 p.m. sa official Facebook page ni Hannah.

Kasama ang "Munting Hiling" sa mini-album ng Kapuso singer na Hannah Precillas Sessions na mapapakinggan sa Youtube Music, Spotify, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.