EXCLUSIVES

Hannah Precillas
GMA Music

Hannah Precillas, may advice sa mga baguhang singer

By Bianca Geli
Published On: March 24, 2022, 3:15 PM

Ano ang maipapayo ni Hannah sa mga nangangarap na maging mang-aawit?

Kapuso singer Hannah Precillas is releasing a new heartbreak anthem this March 25 titled "Sadly Falling."

The Kapuso OST Princess related the song's story to her own personal experiences with love.

"Andoon ako sa moment na na-fall out of love talaga ako.

"Hindi maiiwasan ang problema, pero ang naging problem kasi noon, paulit ulit nangyayari and then I realized somehow naging manhid ako.

"Iniisip ko, "Mahal ko 'yung tao e, okay lang 'yan. Ipaglaban lang 'yan. Hindi ko napapansin na ako pala 'yung nauubos na."

"Napagod din pala ako nang 'di ko namalayan. May mga reason na kaya ako kumapit sa relationship dahil sa bagay na 'to, pero kapag tinimbang mo kung mahal ko pa 'yung tao, hindi na pala. Dumating na lang ako sa point na natatakot na lang akong mag-isa.

She also shares what she learned, "Nakakalungkot pero tuloy-tuloy pa rin dapat.

"Ginamit ko na lang 'yung sakit na pinagdaanan ko noon sa kantang 'to para lalong ma-feel din ng mga taong makakarinig 'yung sakit.

She jokes, "Magkakasakitan tayo ng feelings dito sa bago kong kanta."

Hannah also gave advice to newbie singers who dream of making it big someday.

"Maniwala kayo sa sarili n'yo, maniwala kayo sa talent niyo. Lagi niyong lagyan ng puso, ilagay niyo 'yung puso n'yo every performance kasi 'yun ang laging magpapaganda.

"Always put room for new lessons. Kahit ano pang narating mo, meron ka pa ring dapat matutunan at dapat lagi kang open doon kasi 'yun ang magdadala sa'yo saan ka man dapat mapunta.

Pre-order "Sadly Falling" on iTunes and watch it premiere on YouTube this March 25 at 4:00 PM.

Take a look at its teaser here:

 

 

 



Hannah Precillas' confident birita moments
 

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->