EXCLUSIVES

Hannah Precillas Sadly Falling
GMA Music

Hannah Precillas, aminadong naranasan nang ma-'fall out of love'

By Aimee Anoc
Published On: April 12, 2022, 8:39 PM

Aminado si Hannah Precillas na nakaka-relate siya nang sobra sa bagong kanta na 'Sadly Falling.'

Aminado si Kapuso OST Princess Hannah Precillas na nakaka-relate siya sa bago niyang kanta, ang "Sadly Falling," na tungkol sa isang relasyon na na-"fall out of love." 

Sa isang press interview, ikinuwento ni Hannah ang pinagdaanang breakup noon lamang 2021 sa kanyang dating non-showbiz boyfriend.

"It was last year po when I fell out of love with someone. We've been together po for quite a long time then. After ilang months pa naibigay sa akin ang song, nasabi sa akin na ire-record ko," sabi ni Hannah.

Dagdag niya, "Well I healed naman na, okey na ako. Pero syempre hindi ko maiiwasan din na maalala ulit lahat ng iyon but the good thing is hindi na ako [masyadong affected]."

Ayon kay Hannah, nararamdaman niya na para talaga sa kanya ang "Sadly Falling" dahil na rin sa malungkot na pinagdaanan ng kanyang relasyon.

"I'm very grateful din na naibigay sa akin ang song kasi I got to express myself more. Kasi dati feeling ko kapag may mga ganyang bagay as much as I could itatago ko talaga mag-isa. Pero ngayon ang sarap pala sa pakiramdam na mailabas ko 'yung nararamdaman ko, mai-share ko sa lahat ng tao through music din."

Noong March 25 inilabas ni Hannah ang hugot song niyang "Sadly Falling," na napasama sa iTunes Philippines chart at Spotify New Music Friday Playlist.

 

Unang nakilala si Hannah noong 2014 sa reality talent show na Bet ng Bayan. Noong 2021, naiuwi niya ang "Best Novelty Award" sa 34th Awit Awards para sa kanta niyang "Sabi Ko Na Nga Ba."
 
Ilan sa mga sikat na teleserye theme songs na si Hannah ang kumanta ay ang "Kanlungan" at "Hindi Ko Kayang Iwan Ka" ng Kambal Karibal, "No Matter What It Takes" ng The Lost Recipe, "Kulang ang Sandali" ng Endless Love, "Awit Kay Inay" ng Onanay, "Kung Walang Ikaw" ng Hiram na Anak, "Pagmamahal Mo Lang" ng Legal Wives, at "Abot" ng Little Princess.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso OST Princess Hannah Precillas sa gallery na ito:

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->