Celebrity Life

Kylie Padilla reveals she's dating

By Aimee Anoc

Sa podcast na "Updated with Nelson Canlas" na inilabas noong May 27, inamin ni Kylie Padilla na nakikipag-date na siya.

"Yes, I am dating," diretsong sagot ng aktres kay Nelson Canlas.

Sa ngayon, hindi pa handa si Kylie na sabihin ang iba pang detalye tungkol dito, "Ayoko pa sabihin 'to."

Photo by: kylienicolepadilla (IG)

Bukod sa kanyang buhay pag-ibig, ibinahagi rin ng aktres ang kasalukuyang sitwasyon nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica isang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Ayon kay Kylie, magkaibigan na sila ngayon ni Aljur. "We're friends, we're good na."

Dagdag ng aktres, "Surprisingly okay na, um-okay na. Good things take time. Ako kasi gusto ko kasi goods na kami kaagad 'e, kasi nga ayoko ng may negative emotions, ayoko ng may dala-dalang galit or grief.”

Hindi man naging madali, pero masaya si Kylie na maayos na ang sitwasyon nila ngayon ng estranged husband at mas maayos na nilang maaalagaan ang kanilang mga anak. Hinihiling din ng aktres ang kaligayahan nito.

"I want him to be happy kasi unang-una nga siya 'yung tatay ng mga anak ko. We've lived a life together and I never wanna see him as sad as he was when we're married.

"I don't never want us to ever feel like how we made each other feel. 'Yon nga nakakalungkot, hindi na buo ang pamilya namin, but kung ang kapalit no'n is we take care of our kids better kasi we're happier," pagbabahagi ni Kylie.

Samantala, abangan si Kylie sa pinakabagong sports drama series ng GMA na Bolera ngayong May 30, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Pakinggan ang buong interview ni Kylie Padilla sa podcast na "Updated with Nelson Canlas" dito:

Tingnan ang magagandang larawan ni Kylie Padilla sa gallery na ito: