Showbiz News

Kylie Padilla, nais maging masaya si Aljur Abrenica para sa kanilang mga anak

By Aimee Anoc

Diretsong sinagot ni Kylie Padilla kung ano ang masasabi nito tungkol sa estranged husband na si Aljur Abrenica, na nauugnay ngayon sa sexy actress na si AJ Raval.

Ayon kay Kylie, hangad niyang maging masaya si Aljur para sa kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

"Alam niyo gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya kasi siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila. At kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya ang tatay nila, aba, hindi ko gusto iyon. Gusto ko maramdaman nila na happy tatay nila," pahayag ng aktres.

"Failure namin as parents 'yung nangyari kaya kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan namin maging masaya in our own separate ways para makita nila na buo pa rin sila kasi. 'Happy 'yung parents ko, happy parents namin.' Gusto ko ganoon sila mag-isip," dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Kylie na ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang pinagdaanan nito noong bata pa siya.

"Siguro natuto rin ako kasi my parents are also separated. Ang dami kong natutunan in what I went through and gusto ko sana iwasan 'yung mga ibang pinagdaanan ko as a kid. Ayoko na ng toxic. Wala nang amor sa akin ang drama. Wala na talaga. There's no point in it. And ayokong i-expose 'yung mga anak ko sa ganoon," paliwanag ni Kylie.

Kamakailan lang nang aminin ni AJ, anak ng dating action star na si Jeric Raval, na nanliligaw na sa kanya si Aljur.

Noong July 8, kinumpirma ni Kylie na hiwalay na sila ni Aljur kasunod ng unang pahayag ng amang si Robin Padilla tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Ikinasal noong December 2018 sina Kylie at Aljur.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang relationship timeline nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica: