TV

Ken Chan, bibigyang buhay ang iconic villain ng 'Voltes V'

By MARAH RUIZ

Si Kapuso actor Ken Chan ang isa sa mga napiling dubbers para sa Tagalized Philippine airing ng iconic anime na Voltes V. 

Siya ang magbibigay-tinig kay Prince Zardoz, ang leader ng Boazanians na naglalayong sakupin ang planetang Earth. 


Ipapahiram din nina Derrick Monasterio, Jak Roberto, Bea Binene at Hiro Peralta ang kanilang mga boses sa ipa pang karakter ng anime. 

Bukod sa kanyang voice-acting sa Voltes V, nananatiling busy si Ken bilang isa sa apat na leading men ng panalong GMA Telebabad series na Meant To Be. 

Abangan siya bilang Prince Zardoz sa Voltes V, simula March 27, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa nangungunang GMA Astig Authority.

MORE ON 'VOLTES V':

Magbabalik sa GMA ang pinaka-astig na robot sa mundo ng anime, 'Voltes V'

Bea Binene, boses ni Jamie Robinson sa 'Voltes V'